Letras de Dugong Ponebre - Mahirap Maging Mahirap | BUMBABlog

Letras


Letras de Mahirap Maging Mahirap de Dugong Ponebre

Más letras de Dugong Ponebre



Pagmulat ng mata katulad ng dati
paggising sa umaga iinom ng kape
maswerte kung may pandesal sa tabi
kung may almusal man pagsasaluhan ng marami.
anim na anak sa hirap nagtitiis
paglalaba ang trabaho ng asawang buntis
eto namang ama, mason sa construction
mahina na pero kailangan pang umaksyon.
may iba namang mga anak na di mapakinabangan
bukod sa tamad kulang ang pinagaralan
di nakapagtapos dahil sa pera ay kapos
pagod at panahon sa barkada inuubos
walang kusa na para bang ayaw tumulong
sa kanilang pamilya na sa utang ay baon
beinte-sinko anyos na kay ama pa umaasa
ang masakit doon may kasa ma pang asawa.
Koro:
mahirap maging mahirap
ulap na sa akin ang makatikim ng masarap na pagkain
hindi alam ang gagawin/palaging bitin
magkatrabaho man kulang pa rin.
(ulitin)
Kayod ng kayod hapong hapo sa pagod
trabahong kalabaw para sa konting sahod
gumagawa maghapon for the minimum wage
gagawin ang lahat just to get paid.
meron namang ibang nawawalan na ng pag-asa
ang kahirapan parang di na makakaya
may napipilitang kumapit sa patalim
gagawa ng masama para lang makakain!
natutong mang-holdap tumambay sa kanto
malakas naman ang katawan ba't di magtrabaho?
ayun, ginagawang dahilan ang kahirapan
pero talagang hindi nya maintindihan
na ang buhay sa mundo ay hindi basta-basta
na pag hindi ka kumilos wala kang mapapala
gutom ang aabutin mo dilat ang yong mata
magwawakas ang buhay mong may bakas na luha.
(ulitin ang koro)

Dugong Ponebre Mahirap Maging Mahirap 5162 66393

Comentarios